Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wordpress-seo domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /home1/jamila/public_html/wp-includes/functions.php on line 6114
ICYMI: Blackened death metal outfit Kampon release music video for "Pag-agos" | Finite Fam ICYMI: Blackened death metal outfit Kampon release music video for "Pag-agos" | Finite Fam

ICYMI: Blackened death metal outfit Kampon release music video for “Pag-agos”


For those unfamiliar with them, Kampon is a melodic-blackened death metal band hailing from Manila, Philippines. On February 23, 2020, the band released short film visual as a music video for their latest single “Pag-agos”

You may watch it here: https://www.facebook.com/watch/?v=559104021617482

Finite Fam had a chance to ask the band in a Q&A done through online means about the song and its music video as well as their plans for this year.

1. Hi Kampon. Please tell us something about your song “Pag-agos”.

“Ang Pag-agos ay pagsasalarawan ng buhay bilang karagatan. Madalas ang tao ay nangangarap ng paraiso, ng perpektong hinaharap na walang paghihirap at malayo sa araw-araw na pakikibaka. Tinutuligsa ng kanta ang ilusyon na ito. 

Ang buhay ay pagtangay ng karagatan, kung minsan ay payapa minsan naman ay mga along rumaragasa, kamatayan lang ang tanging titigil sa daloy. Ang taong kayang tanggapin ito ay matututong makiayon sa agos. Ang manaig o mangibabaw mula sa ano mang sitwasyon ang tanging magagawa ng isang tao sa gitna ng malawak na karagatan ng buhay.”

2. What was the inspiration behind the music video?

Reply by Director, Rian Simon Magtaan:

“Sobrang personal sa akin ng Pag-agos, bukod sa sala-salabat na alon ng buhay. Naging malaking hamon para sa akin kung paano ko haharapin yong mga demonyo sa loob ko. Naging lunsaran ko yong kantang Pag-agos, kahit papaano, para iluwa sila. 

Challenging buoin yong Pag-agos MV e, black metal/death metal, paano ko ikukuwento ‘yong kanta nila na iba yong atake gaya sa madalas na music video. 

Humugot siguro ako sa konteksto ng pananampalataya at sarili. Ano yong mga puwersang nasa loob nito. Kaya nahati sa apat na kabanata yong MV, mula teaser hanggang final output: I. Kapanganakan, II. Kapatawaran, III. Kamatayan, IV. Kaluwalhatian.

Nang maipalabas na ang pag-agos mv pakiramdam ko nabawasan ako ng bagahe. Mga bagaheng matagal ko nang dala-dala bilang isang manlilikha. Yong mga inhibitions, frustrations, nailabas ko rito. Sabi nga sa kanta, “Ako’y mananaig”. Minsan kailangan lang natin maniwala. Mali, madalas dapat tayong maniwala at magtiwala.”

3. How does the songwriting work primarily on this song?

“Ang pagsulat ng Pag-agos ay base sa interpretasyon ng bawat isang Kampon ayon sa gusto naming iparanas sa mga nakikinig, “Dapat tunog dagat.” Ito ang nasa isip ng bawat isa habang sinusulat ang kanta. Mabagal, mabigat kung minsan na parang alon, rumaragasa na tila hahampas sa mga bato, payapa naman kung maganda ang panahon o kaya sa ilalim ng tubig. Lahat ng ito ay nasa kanta.

Malaking bagay ang chemistry ng bawat isang Kampon. Naintindihan namin na kailangan maipalabas ang elemento ng tubig sa lahat ng instrumento: sa gitara, drums, bass, at salita. Kung papakinggan ang kanta ng nasa isip itong proseso, mas mapapansin ang pagiging “tunog dagat” ng Pag-agos.”

4. What can we expect from Kampon this year?

“Matapos ang Sa Lumang Daan noong 2017, nagisip-isip muna kami kung ano ang susunod para sa amin. Isa na ang paglabas ng music video para sa Pag-agos. Nagsusulat na rin ulit kami para sa isa pang EP o album. 

Mas magtutuon kami ng pansin sa mga karanasan ng ibang tao kumpara sa unang EP na ang tutok ay panloob na kamalayan. Mayroon na kaming natapos na bagong kanta, Pulang Talim, na tungkol sa mga magsasaka at maralita ng Pilipinas na hanggang ngayon ay inaalipin at inaapi ng mga mayayaman, militar, kapulisan, at gobyerno. Irerecord namin ito at siguro ay isa pang kanta at ilalabas ngayong taon.”

You may follow and get updates on the band here:

https://www.facebook.com/kamponph/
www.kampondeathmetal.bandcamp.com

Share this link